Isinulong Ni VG Karen Agapay na 5-Year Validity ng PRC License, Aprubado Na Sa Kongreso!

 



Matapos lamang ang halos isa at kalahating taon mula nang isulong ni Laguna Vice Gov. Atty Karen Agapay at nagkakaisang aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Laguna ang Resolution No. 779 na naglalayong ma-extend ang validity ng PRC License mula 3 taon ay gagawing 5 years ay tuluyan na itong naipasa sa ikatlo at final reading ng mababang kapulungan ng kongreso sa ilalim ni Speaker Ferdinand Romualdez, ang HB 9764 na isinulong Kongreso sa  pamamagitan ng naging kahilingan ng Professional Regulation Commission.


Matatandaang matapos na maaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Laguna ang Resolution 779 ay inihatid kaagad ni Vice Gov Agapay ang kopya ng naturang Resolution kay PRC Commissioner Dr. Jose Y. Cleto na agarang pinag-aralan ng PRC Legal Department na siyang naging daan upang makarating ang naturang panukala sa Kongreso.


Sa ginawang pagpapalawig ng validity ng PRC License hanggang limang (5) taon ay hindi na kinakailangang mag-renew ng PRC ID Card ang Filipino Professionals taon-taon.


Samantala, sa pagsisikap din ni Laguna Vice Gov Atty Karen Agapay at bisa ng Resolution 788 ay naging operational na rin ang PRC Satellite Service Center sa Metro Central Mall, Sta Cruz, Laguna kungsaan ay nagkaroon ng renewal ng PRC Identification Card at application for Licensure Exams. Sa Katunayan ay ginanap na din noong taong 2023 ang kauna-unahang Teacher's Licensure Exam sa Lalawigan ng Laguna.

Comments