Santa Rosa, Laguna - Matagumpay na idinaos ang Kasalang Bayan sa lungsod ng Santa Rosa para sa 208 na magkasintahan kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ngayong ika-14 ng Pebrero, 2024.
Nagpapasalamat si Mayor Arlene Arcillas sa lahat ng dumalo sa okasyon upang maging saksi sa pag-uugnay ng bawat magkasintahan. Pinasalamatan din niya ang buong Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Vice Mayor Arnold Arcillas at ang lahat ng mga Department Heads ng Santa Rosa City Hall.
Binati rin ni Mayor Arcillas ang lahat ng bagong kasal. Sa kanyang mensahe, ipinahayag niya ang kahalagahan ng patuloy na pagmamahalan ng mag-asawa upang mapanatili ang matibay na samahan sa buong buhay.
Dagdag pa niya na dapat laging tandaan sa pagsasama ang tatlong "R". Una ay ang Respect. Mahalaga ang pagpapakita ng respeto sa bawat isa, anuman ang mga pagkakaiba. Pangalawa ay ang Responsibilidad. Dapat ay mayroong pagtanggap ng responsibilidad sa pag-aalaga sa isa't isa at sa tamang pagpapalaki ng kanilang mga anak. At ang huli ay ang Remit. Ang bawat isa ay dapat magbahagi ng kanilang pinansyal na mga kita at tiwala sa paggamit ng pera para sa kanilang pangangailangan.
Nagkasabay-sabay ang pagbilang ni Mayor Arcillas at ng mga saksi bilang simbolo ng kanilang unang halik bilang mag-asawa. (Joel Cabactulan) Photo by:Roy Tomandao
Comments
Post a Comment