MAKULAY AT MASAYA ANG PAGDIRIWANG NG IKA-167 NA ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG AT UNANG TAON NG PAGIGING LUNGSOD NG CARMONA
Carmona, Cavite, - Naging makulay at masaya ang parada sa Carmona Cavite sa pagdiwang ng Ika-167 na Anibersaryo ng pagkatatag at unang taon ng pagiging lungsod nito noong
February 19, 2024 na dinaluhan ng libo-libong residente mula sa labing apat (14) na mga barangay, NGO's, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at mga empleyado ng City hall.
Nagpakita naman ng suporta sila Cavite Gov. Juanito Victor "Jonvic" Remulla Jr., Vice Gov. Athena Tolentino, DSWD Secretary Rexlon "Rex" Gatchalian, Kinatawan ng Ika-5 Distrito ng Cavite na si Roy Loyola, Punong Lungsod ng Carmona na si Dahlia Loyola, at si Mayor Maricel Torres ng bayan ng GMA (General Mariano Alvarez) na kumakaway sa balkonahe ng City hall sa lahat ng dumaan na kasali sa parada
Sa Press Conference, masayang ibinalita ni Mayor Dahlia Loyola ang plano na pagtatayo ng Philippine General Hospital (PGH) sa kanilang lungsod sa darating na June 2024. Ibinalita din niya ang mga proyekto at plano sa tinaguriang Smart City Of the South. Aniya, "Sa Carmona ay nagkakaisa ang bawat departamento upang sama-sama sa programa para sa ikakaganda ng selebrasyon". wika ni Mayor Loyola.
Dagdag pa niya, sa darating na pasukan ay magbibigay sila ng tig P1,000.00 sa bawat estudyanteng mag-aaral mula Day Care hanggang sa Senior High School sa lahat ng public schools. Ibinalita din niya ang ease of doing business sa kanilang One Stop Shop na online transaction at Face to Face transaction.(Joel Cabactulan)
Comments
Post a Comment