Mga magsasaka sa Laguna, nakatanggap ng tulong-pangkabuhayan mula sa mga Cayetano


Nakatanggap ang Santa Maria Vegetable Farmers Association in San Pablo, Laguna ng karagdagang tulong-pangkabuhayan mula sa mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano para sa pagpapaunlad ng kanilang sektor.



Sa pakikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment Integrated Livelihood Program (DILP), 38 na miyembro ng asosasyon ang nabigyan ng assistance at mahalagang  kagamitang pang-agrikultura noong February 20, 2024.



Dumalo sa ceremonial turnover ang asawa ni San Pablo Mayor Vicente Amante na si Gem Castillo; sina Vice Mayor Justin Colago; Barangay Captain Renato "Gabby" Brion Jr., at iba pang mga opisyal ng lungsod.



Ang asosasyon ay isa sa maraming nakikinabang sa Programang Presyo, Trabaho, Kita/Kaayusan (PTK) ni Senador Alan Peter Cayetano, isang programang pang-kabuhayan na kanyang inilunsad noong 2013 upang mapabuti ang mga oportunidad para sa mga sektoral na grupo sa pamamagitan ng pagbibigay ng puhunan na maaari nilang gamitin upang palakasin ang kanilang mga kita.


Sa pagpapahayag ng pasasalamat sa magkapatid na senador, binigyang-diin ni Ismael Peña, pangulo ng asosasyon, na ang ang kanilang natanggap ay magiging malaking tulong sa mga miyembro na kulang sa mga mapagkukunan.


“Malaking bagay po ito sa amin dahil ito po ay isa sa aming magandang pangkabuhayan. Ito po ay makakatulong sa mga miyembro namin na walang pambili ng abono at mga pananim. Maraming salamat po at makakaasa kayo na ito po ay aming palalaguin,” wika niya.


Si Merly Medrano, isa sa mga magsasaka, ay nagpasalamat din sa mga senador para sa kanilang suporta sa kanilang sektor, at umaasang ang kanilang tulong ay makarating pa sa higit pang mga magsasakang Pilipino na nangangailangan.


“Maraming salamat po sa ibinigay niyo sa aming tulong para sa aming mga farmers. Huwag po kayong mapagod tumulong sa aming mga magsasaka,” wika niya.


Sa kasalukuyan, mayroon nang higit sa 200 na mga pangkat-benefisyaryo sa buong bansa ang PTK, na binubuo ng mga driver at operator ng pampublikong sasakyan, mga nagtitinda sa palengke, kababaihan, magsasaka, at mangingisda, at iba pa.


Sa layunin na palawakin ang programa ng PTK, noong July 2022, nagsumite si Cayetano ng Puhunan Tungo sa Kaunlaran (PTK) Act sa Senado upang institusyunalisahin ang programa at magbigay ng tulong sa mas maraming Pilipino sa buong bansa.###

Comments