Pwersa ng Pilipinas sa Mavulis Island, Batanes Group of Islands, Pinalakas Bilang Bahagi ng External Defense Posture ng Bansa - Philippine Navy
Nagpahayag si Commodore Roy Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy para sa West Philippine Sea, na hindi layunin ng Pilipinas na maghamon ng giyera laban sa ibang bansa sa pagpapalakas ng kanilang pwersa sa dulong hilaga ng bansa, malapit sa Taiwan.
Binigyang-linaw ni Commodore Trinidad na ang Mavulis Island, ang pinakahilagang isla ng Pilipinas, ay matatagpuan sa Balintang Channel o Bashi Channel, na isang mahalagang internasyonal na daanan ng dagat.
Ayon kay Commodore Trinidad, ang pagpapalakas ng pwersa sa Mavulis Island, Batanes Group of Islands, ay bahagi lamang ng pagpapalakas ng external defense posture ng bansa, batay sa direktiba ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro.
Comments
Post a Comment