“Unang Pagdiriwang ng Anibersaryo ng Municipal Stable Internal Peace and Security (SIPS) sa Unisan, Quezon”


Sa patuloy na pagsusulong ng kapayapaan sa bayan ng Unisan, ipinagdiwang ng mga mamamayan ng buong karangalan  ang unang taong  Anibersaryo ng  pagkakadeklara ng nasabing bayan bilang  SIPS o Insurgency-Free kahapon ika-14 ng Pebrero taong kasalukuyan sa Municipal Covered Court, Barangay F De Jesus Unisan, Quezon.  Ito ay may temang “Pagtataguyod ng Kapayapaan para sa Maunlad na Pamayanan”



Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Peace Parade na dinaluhan ng humigit kumulang 250 na maa mamamayan mula sa  mga mag aaral,  pribadong sektor; mga kawani at opisyal ng lokal na pamahalaan mula sa nasabing bayan at mga barangay. Kasabay nito ang Trade Fair kung saan ibinahagi ang kanilang mga natatanging produkto, programa, at mga serbisyo para sa mga mamamayan. Nagkaroon din ng  “Photo Exhibit” at "Military Static Display” ng 85IB, 22nd Cavalry Company at  PNP na naglalayong ipakita ang kapabalidad at mga kasalukuyang gawain at programa sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran.  



Kasunod nito ay ang Renewal of Commitment na pinangunahan ni Kagalang-galang  Ferdinand P Adulta na Punong Bayan  kasama ang  Sangguniang Bayan, lokal na pamahalaan,  mga Punong Barangay at Sangguninang Kabataan.  


Nakiisa rin, nagpaabot ng pagbati at ng mensahe  ang mga kinatawan ng iba't-ibang sangay ng pamahalaan mula sa  lalawigan ng Quezon; Department of Interior and Local Government (DILG), Cooperative Development Authority (CDA), Philippine Coconut Authority (PCA), Tanggapan  ng Punong Lalawigan,  Area Police Command Southern Luzon (APC SL) na kinakatawan ni Lieutenant Colonel Romulo A Albacea, Quezon Provincial Police Office (QPPO) sa pangunguna ni Police Colonel Ledon Monte at  201st  Infantry Brigade sa pamumumo ni Brigadier General Erwin A Alea.



Bilang pagkilala sa taos pusong pakikiisa sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa nasabing bayan, muling pinangunahan ng Kagalang-galang Adulta ang paggagawad ng pagkilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng Certificate of Recognition  sa bawat kinatawan ng tanggapan at  mga punong barangay. 

Kasunod ang muling paglagda para sa Renewal of Commitment at pagpapalipad ng kalapati na sumisimbolo sa kapayapaan at pagkakaisa ng bawat mamamayan. 


Sa huling bahagi ng programa, ginanap ang Araw ng Barangay para sa Pambayang Pederasyon ng mga Liga ng mga Barangay (PPLB)  na may Temang Nagkakaisang Barangay Tungo sa Maunlad at Mapayapang Unisan.  

Kasabay ang MusiKapayapaan na pinangunahan ng 85IB Combo, 2nd Infantry Division Band, at Quezon Provincial Police Office Band. 


Sa mensahe ni Lieutenant Colonel Joel R Jonson, taos-puso ang kanyang pagbati at pasasalamat sa mga mamamayang patuloy na nakiisa sa pagsusulong ng kapayapaan para sa nasabing bayan.   Muli rin siyang nanawagan sa mga opisyal ng barangay at mga mamamayan na patuloy at higit pa nilang ingatan ang kanilang nasasakupan upang patuloy pang makamit ang kaunlaran para sa ating mga mamamayan. 

Comments