Pormal ang pagbubukas ng Oplan Sumvac sa lungsod ng Calamba kasama ang mga kagawad ng PNP, BFP, POSO at mga Non Government Organizations (NGO) ngayong araw 25 March 2024.
Sa mensahe ni Mayor Roseller H. Rizal, pinasalamatan niya ang PNP Calamba Component City sa pamumuno ni LtCol. Milany E. Martirez sa pagpapanatili ng peace and order sa lungsod. Aniya, "Kasabay po ng ating paggunita at pagninilaynilay ngayong Semana Santa, alam po natin na isa ang ating lungsod sa mga dinarayong lugar ng maraming mga turista. Kaakibat po ng pagdagsa ng maraming tao at ng pag-angat ng turismo, malaking responsibilidad po ng ating lungsod ang masigurong magkakaroon sila ng isang ligtas na pagbisita at bakasyon sa ating lugar". Wika ni Mayor Rizal.
Dagdag pa niya na "Ngayong taon, masasabi nating higit kailanpaman, ay isa ang SUMVAC 2024 sa pinaka pinaghandaan natin, sa pangunguna ng ating Public Order and Safety Office at Calamba Component City Police Station. Pinagtuunan natin ang seguridad at ang kasiguruhang walang hindi magandang experience ang maaring mangyari sa ating mga bisita, gayundin siyempre sa ating mga kababayang Calambeño". Wika ni Mayor Rizal.
Pinasalamatan niya ang lahat ng katuwang naahensya na kabahagi ng OPLAN SUMVAC 2024 ang City Health Office, City Disaster Risk Reduction Management Office, GSO, at ibang mga departamento ng Pamahalaang Lungsod, gayundin at iba pang mga Non Government Organizations (NGO's) na magsisilbi ngayong kasagsagan ng summer
period sa lunsgod. (Joel Cabactulan)
Comments
Post a Comment