Paglunsad ng PNP Alert Button/Mobile Police Community Response ng Calamba, Matagumpay


Inilunsad ngayong araw ang kauna-unahang PNP Alert Button/Mobile Police Community Response sa lungsod ng Calamba na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng PNP Provincial Police Office na sila PCol Arnel Pagulayan PD Deputy for Operations, PCol. Franco Alex Reglos, National Police Commission Officer Laguna Atty. MIa. Antonette M. Quijano, PNP Calamba Component City at lokal na pamahalaan ng Calamba sa pamumuno ni Mayor Roseller H. Rizal. 


Sa mensahe ni Mayor Rizal, masaya at pinasalamatan ang PNP Calamba Component City sa pamumuno ni LtCol. Milany Martirez sa mga programang direktang makakatulong upang mapa ayos ang katahimikan ng lungsod. Aniya, "Hindi po lingid sa inyong kaalaman ang ating patuloy na pagsisikap na panatilihing ligtas ang ating mga kababayan sa anumang uri ng krisis at kalamidad. Tatlong bagay po ang ating pinapatupad upang magawa ito. Una, sinisiguro natin na ang ating mga tauhan ay may sapat na kaalaman at pagsasanay upang maka-tugon sa anumang uri ng krisis o kalamidad na maaring maranasan sa ating lungsod. 





Pangalawa, sinisiguro po natin na may nakalatag tayong plano at programa, at kaalinsabay nito, ay may sapat na budget o pondo para maisakatuparan ang mga programang ito. At pangatlo, sinisiguro natin na may sapat tayong kagamitan, uri ng sasakyan, at akma at modernong pasilidad, upang maka-tugon sa mga disasters sa anumang oras at anumang sitwasyon". wika ni Mayor Rizal. 



Dagdag pa niya "Kaugnay sa mga ito, isang malaking kasiyahan na pormal nating buksan sa umagang ito ang LAGUNA PNP ALERT BUTTON, kasabay ng pagpapasinaya sa MOBILE POLICE COMMUNITY RESPONSE AND MONITORING (P.C.R.M.)dito sa Calamba Component City Police Station.

Kasabay ng mabilis na pagtakbo ng mundo at sari-saring inobasyong dala ng teknolohiya, hindi maitatanggi na kahit ang mga krimen o masamang gawain ay mabilis na ring lumalaganap sa komunidad, o kahit pa nga sa internet. 

Walang pinipiling oras o pagkakataon ang mga ganitong klase ng gawain, kung kaya’t nararapat lamang nating sabayan ng inobasyon din sa ating mga gamit at pamamaraan ng pagbabantay sa ating komunidad. We fully realize the need to institutionalize an adequate system for monitoring, coordination and evaluation of events in order to mitigate the effects of disasters and emergencies. With this program, we are putting in place a system to closely monitor the conditions as they happen, to enable us to make informed decisions and efficiently mobilize and deploy resources as they are needed. 

Napakahalaga sa atin ang magkaroon ng ganitong pasilidad, hindi lamang dahil karapatan ng bawat isa na mapangalagaan ang ating buhay at ari-arian at agad na matugunan ang ating kahinaan lalo na sa panahon ng kalamidad.


Pinagmamalaki naman ni PLtCol. Milany E. Martirez ang agarang responde ng mga mapapadalhan ng mensahe noong ito ay sinubukan ang system. Wala pang limang minuto ay dumating ang SWAT, fire truck ng BFP at ambulansiya ng City Disater Risk Reduction Management Office (CDRRMO). (Joel Cabactulan)





Comments