1047 beneficiaries mula sa tatlumpo 30 bayan para sa programang Kalinga at Agapay project ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) Kabuhayan
1047 benepisyaryo mula sa 30 bayan sa Laguna ang nagpapasalamat sa DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) para sa programang Kalinga at Agapay. Ang pagdiriwang na ito ay naganap sa Los Baños Multipurpose Evacuation Center sa Los Baños, Laguna, kasama si Senator Loren Legarda, Vice Governor Atty. Karen Agapay, Board Member Christian "Niño" Lajara, at Board Member Karla Adajar Lajara.
Sinabi ni Vice Governor Atty. Karen Agapay na mahigpit ang pagpili ng mga benepisyaryo para matiyak na ang mga ito ay karapat-dapat sa tulong at sinusubaybayan ng lokal na pamahalaan kung ito ay totoong nakakatulong sa kanila at kumikita sila.
Ayon kay Mr. Guido Recio ng DOLE Laguna, ang mga benepisyaryo ay tatanggap ng mga kagamitan para sa kanilang kabuhayan tulad ng Welding package, Tailoring package, Sari-sari store package, at Bigasan package. (Joel Cabactulan)
Comments
Post a Comment