HINDI SHOW OF FORCE - DND

  



Ayon sa Department of National Defense (DND), hindi pagpapakita ng lakas ang ginanap na Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) sa West Philippine Sea (WPS) kasama ang Pilipinas, Amerika, Japan, at Australia.



Ito ang tugon ng Pilipinas sa mga alegasyon ng China na labag sa Code of Conduct of Parties ang aktibidad, na sinasabing sumasagka sa kanilang soberenya at karapatan sa nasabing karagatan.



Sa isang panayam, sinabi ni DND Spokesperson Arsenio Andolong na sumusunod lamang ang Pilipinas sa batas ng International Law.


Para kay Spox. Andolong, ang aktibidad ay nagpapakita lamang ng pagkakaisa sa pagitan ng mga sibilisadong bansa. Dagdag pa niya, ang interpretasyon nito ay nasa kamay ng China.


Ani ni Andolong, mahalaga na nagpapatuloy ang Pilipinas sa pagsasanay para sa pambansang interes at pagpapalakas ng kakayahan, pati na rin sa pakikipagtulungan sa iba pang mga bansa.

Comments