Senador Bong Go, Nanawagan ng Work from Home Policy sa Gitna ng Mainit na Panahon

 



Sa kabila ng tumitinding init ng panahon, nanawagan si Senador Christopher "Bong" Go sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong kumpanya na ipatupad ang "work from home policy" para sa kanilang mga empleyado.

Binigyang-diin ng senador na nagtagumpay ang WFH arrangements noong panahon ng pandemya ng COVID-19 kaya't maaaring maging solusyon ito sa kasalukuyang problema ng mainit na panahon.

Pinaalala rin ni Go na ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay nag-aalok ng package para sa heat stroke, sunstroke, at heat exhaustion na nagkakahalaga ng 6,500 pesos.

Bukod dito, libre rin ang check-up sa mga health centers at Super Health Centers.

Nanawagan ang PAGASA na maging maingat sa labis na init ng panahon, na maaaring umabot hanggang sa "extreme danger level" ang heat index sa bansa, na maaring umabot ng 52 degree Celsius pataas ang temperatura. | Ulat ni Nimfa Asuncion

Comments