Nakiisa ang SSS Carmona branch sa isinagawang Run After Contribution Evaders (R.A.C.E.) program nationwide sa pqmumuno ni Ms.April S. Baje ngayong araw April 30, 2024.
“Ito ay sabay sabay na ginagawa ng SSS at lahat ng mga branches sa buong bansa. Layon nitong maipaunawa sa mga employers ang kanilang obligasyon alinsunod sa batas at obligasyon na din sa kanilang mga empleyado,” ani Baje.
Dagdag pa niya na seryoso ang ahensya sa kanilang mandato at hindi nito hangad na takutin ang mga employer bagkus ay ipakitang sila ay dapat magkatuwang sa pagtataguyod ng pag tutulungan ng kanilang mga empleyado. Binibigyan nila ng labinlimang araw upang mai settle ang kanilang dapat bayaran at pagkatapos sa palugit na araw ay iaakyat na nila sa kanilang legal department upang masampahan ng kaso ang mga employer.
Binigyang-diin ni Ms Baje na may pailan ilang mga establisimyento ang nabibigyan ng demand letter pero dahil sa pagsasagawa ng RACE agarang sumusunod ang mga ito sa kanilang obligasyon.
Kabilang sa mga business establishments na dinalaw at pinaalalahanan ng ahensya ang funeral parlor, machine shop, construction services, bakery supplies, beauty parlor at home owners association. (Joel Cabactulan)
#RondaBalitapilipinas #rondabalotapilipinas
#sss
#sssrace
Comments
Post a Comment