Puno ng saya at sorpresa ang handog ni Mayor Roseller H. Rizal at Vice Mayor Atty. Angelito Lazaro Jr., sa katatapos lamang na NGO Day sa lungsod ng Calamba. Layunin ng aktibidad na pagsama-samahin ang lahat ng mga accredited NGO at bigyang-pugay ang kanilang kontribusyon bilang mga boluntaryong kasama sa pagpapaunlad ng lungsod.
Sa mensahe ni Mayor Ross Rizal, "Our law is very clear in recognizing non-governmental, community-based, sectoral organizations that promote thew elfare of the nation. At dito po sa Calamba, mas pinagtibay natin ito dahil sai sang ordinansa na kinikilala ang papel ng mgan on-government organization sa pagpapaunlad ng atingl ungsod, at espesyal po ito sa amin nina Vice Mayor Totie at Cong. Cha, dahil kaming tatlo rin po ang nagtulung-tulungan upang mailathala ang ordinansang ito noong magkakasama pa kami sa konseho". ani Rizal
Dagdag pa niya "Kaya nakakatuwa talaga na ang ordinansang ipinasa namin para sa inyo ay buhay na buhay at makulay na makulay. Kaya ngayong gabi nga ay kinikilala natin ang mga NGOs at People’s Council na naging katuwang ng ating lungsod para sa ramdam na reporma. Tanggapin po ninyo ang pasasalamat pagsaludo ng Team Dugong Bayani sa inyo. Totoo po iyan. Tinatanaw po namin na utang na loob sa inyo ang lahat ng inyong kontribusyon sa ating pamahalaan". wika ni Rizal.
Nagbigay naman ng mensahe ng pasasalamat si Vice Mayor Atty. Angelito Lazaro Jr., sa lahat ng dumalo. Pinasalamatan din nito si Mayor Ross Rizal sa inisyatiba na mabuo ang Peoples Council noong siya pa ay Vice Mayor bilang patunay sa pagiging transparent at malaman ng taumbayan ang mga.programa ng lokal na pamahalaan para sa bayan. (Joel Cabactulan)
Comments
Post a Comment