Mga residente ng Laguna, tumatanggap ng suporta mula sa mga Cayetano




Nabigyang pag-asa ang 700 residente ng Laguna na nahaharap sa mahihirap na sitwasyon nang magpaabot ng tulong  sa loob na dalawang araw ang mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano upang masuportahan ang kanilang pagbangon.




Nitong May 29, 2024, nagsagawa ng dalawang programa sa Cabuyao, Laguna — isa sa umaga at isa sa hapon — kung saan 400 kababaihan, senior citizens, at mga Muslim vendor ang pangunahing mga benepisyaryo.



“Y’ung kita po niya, hindi po talaga kasya. May mga bills at upa, at minsan nagkakaroon pa ng utang,” paliwanag ni Flor Abigail Santiago tungkol sa sitwasyon ng kanilang pamilya kung saan asawa niya lang ang may matatag na kita.



“Thankful po talaga ako dito at blessed, makakatulong din po ito pangdagdag sa nanay kong maysakit, pambili ng gamot,” dagdag niya.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Romualdo Alcones, isa ring benepisyaryo at senior citizen, sa tulong na natanggap dahil magagamit niya ito pambili ng gamot at iba pang pangangailangan.

“Lubos po akong nagpapasalamat sa inyo, Senator Alan at Pia Cayetano,” aniya.

Naging posible ang paghahatid ng tulong sa pagsisikap at partisipasyon nina Mayor Dennis Hain, Barangay Chairman Melvin Calandria, Pastor Alan Gurieza at Jojo de Torre, DSWD Social Worker Maira Peres, City Social Welfare and Development Head of Cabuyao Evie Parala, at Barangay Chairman Erick Barron.

Noong May 30, bumisita ang opisina ng magkapatid na Cayetano sa mga residente ng Bay, Laguna para magbigay ng tulong sa mga senior citizen, persons with disabilities, at mga magsasaka.

Naging mahalaga ang suporta nina Councilor Julian Rod Padrid at DSWD Region 4A Representative Rica Recto sa tagumpay ng aktibidad.

Nabigyan ng tulong ang mga residente ng Laguna sa pakikipagtulungan ng magkapatid na Cayetano sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Layunin ng AICS na magbigay ng suporta sa mga indibidwal upang matulungan silang makabangon sa pamamagitan ng pag-aalok ng iba't ibang uri ng tulong sa edukasyon, medikal, pinansyal, paglilibing, pagkain, at transportasyon, kaayon sa pangangailangan ng mga benepisyaryo.

Bilang mga tagapagtaguyod ng pagpapalawak ng oportunidad pang-ekonomiya ng mga Pilipino, patuloy na nagbibigay ng tulong ang magkapatid na Cayetano sa pamamagitan ng iba't ibang programang pangkabuhayan upang lalo pang mapatatag ang kita ng bawat indibidwal.###

#rondabalitapilipinas 
#senatorpetercayetano

Comments