Carmona, Cavite — Matagumpay ang isinagawang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng SSS Carmona, sa pamumuno ni Ms. April S. Baje, at BJMP Carmona, sa pamumuno ni Warden JSINSP Aris J. Aquino at Carmona Jail Warden JCINSP Christian P. Javier.
Ayon kay SSS Carmona Branch Head Ms. April S. Baje, layunin ng MOA na maging miyembro ang lahat ng BJMP personnel sa dalawang pasilidad. Aniya, "Sa panahon ng kanilang pagreretiro sa serbisyo, magagamit nila ang retirement benefit bukod pa sa mga maternity benefit para sa mga kababaihan."
Ayon naman kay Mr. Edwin Igharas, SSS Vice President, South Luzon, layunin ng KaSSSangga sa Coverage Program na mabigyan ng benepisyo ang lahat ng BJMP personnel, maging ang mga Job Order personnel sa mga local government unit. Sa oras ng pagreretiro ng isang empleyado, magkakaroon sila ng pensiyon, at mga maternity benefit para sa mga kababaihang manganganak.
Nagpasalamat naman sina JINSP Christian P. Javier, Jail Warden ng GMA, at JSINSP Aris J. Aquino, Jail Warden ng Carmona, sa inisyatiba ng SSS Carmona Branch na abutin ang kanilang tanggapan upang mabigyan ng gabay kung paano magiging tuloy-tuloy ang kanilang pagbabayad ng monthly contribution.
Ang initial count ng BJMP personnel ay 18 mula sa GMA at 10 mula sa Carmona. Ang ilan namang Persons Deprived of Liberty (PDL) payment mula sa kanilang livelihood ay kasama rin sa programa. (Joel Cabactulan)
Comments
Post a Comment