Calamba City nakiisa sa Ika 126 taon na Araw ng Kalayaan




Lungsod ng Calamba, Nakiisa sa Ika-126 Taong Pagdiriwang ng Kasarinlan ng Pilipinas

Calamba City, Laguna – Kasabaysa ika-126 Taong Kasarinlan ng bansa ngayong araw June 12, 2024 na may temang "Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan".



Nakiisa ang Pamahalaang Panlungsod ng Calamba sa pagtaas ng bandila ng Pilipinas sa pangungunani Mayor Roseller H. Rizal, Vice Mayor Atty. Angelito S. Lazaro Jr, Sangguniang Panlungsod, Department Heads, DepEd, PNP, BFP, BJMP,  mga empleyado ng gobyerno, NGO’s at mga mamamayan ng Calamba.



Sinimulan ang programa sa pagwagayway ng watawat ng Pilipinas ng mga estudyante ng Calamba City College at sinundan ito ng pagpasok ng kulay ng Calamba PNP sa pamumuno ni PLTCOL Milany Martirez at ang pagtaas ng watawat at sinundan nito ng Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas mula sa Boy Scout of the Philippines 



Sa mensahe ni Mayor Roseller H. Rizal, "Ang mga makukulay na bandila ng rebolusyon na pumarada sa ating harapan ay simbolo ng mahaba at masalimuot na kwento ng digmaan, karahasan at matinding kahirapan na pinagdaanan ng ating bansa.  Ito ang saksi sa maraming pangyayari sa ating kasaysayan mga bandilang ginamit ng Katipunan at iba pang lihim na organisasyon na may kani-kanilang pagnanasang makawala sa paniniil ng dayuhan mga bandilang muling pumupukaw sa ating damdamin sa kagitingan ng ating mga kababayan na nagbigay sa atin ng Kalayaan.  Kaya muli, pinaparangalan natin ang talino at halimbawa ng ating kababayan at dakilang bayani, Gat Jose Rizal, ang katapangan ng lider ng Katipunan  Andres Bonifacio, ang pinaka-batang Heneral at Bayani ng Tirad Pass, Gregorio del Pilar, ang Utak ng Himagsikan, Apolinario Mabini at marami pang iba na ang sakripisyo ng buhay ay patuloy nating pinasasalamatan at pinapahalagahan. Wika ni Mayor Rizal.



Dagdag pa niya, "Matuwid at maayos na pamamahala na sa maraming pagkakataon ay pinatutunayan ng pagkilala na natanggap natin mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor.  Pinaka-bago dito ang pagkilala mula sa RP-Mission and Development Foundation na naglagay sa atin bilang Number One na TOP PERFORMING CITY MAYOR sa Region 4a/4b.  Marami tayong mga  inisyatibo upang padaliin para sa ating mga mamamayan ang tumanggap ng serbisyo mula sa iba’t-iba nating tanggapan.  Mula sa pagkuha ng mga dokumento tulad ng Civil Registration Certificates, Business Permits, Tax Declaration, pagbabayad ng buwis, pagkuha ng Building at Construction Permits, lalo na ang mga serbisyo ng ating City Health Office, Social Services, Veterinary Services at iba pa – ginagawa ng ating mga Department Heads at mga kawani ang kanilang bahagi, upang hindi lamang makasunod, manapa’y higitan pa  ang hininingi ng batas. 



Nagbigay naman ng mensahe si Vice Mayor Angelito Lazaro. Pinasalamatan niya ang lahat ng dumalo sa nasabing okasyon. Ayon kay  Lazaro “Ang kalayaan na ating tinatamasa natin ngayon ay bunga ng dugo, pawis at sakripisyo ng ating mga bayani. Sila ang nag alay ng kanilang buhay upang makamit natin ang kalayaang ito ”. Wika ni VM Lazaro. 



Sa mensahe naman ni Congress iswoman Charisse Ann Hernandez Alcantara “Di maikakaila na ang bansag sa atin ay bayan ng bayani dahil dito mismo sa ating lungsod lumaki ang batang si Dr. Jose Rizal na nagbigay ng inspirasyon sa buong  bansa na umalma laban sa kastila.   Wika ni Congw. Hernandez Alcantara.

   


Sabay-sabay namang nag pakawala ng mga kalapati ang mga opisyal ng lungsod at sabay sa pag awit ng Bayan Ko.   (Joel Cabactulan)


Comments