Calambagong Kusinang Calambeño, Mas pinasarap ang mga putahe




Calamba, Laguna - Sa ikalawang taon ng pagdiriwang ng Calambagong Kusinang Calambeño, mas lalong pinasarap ang mga putahe sa main course dahil sa mga kalahok na nagpakita ng kanilang mga talento sa pagluluto. Mula sa simpleng luto, nagkaroon ng mga twist ngunit nananatiling buhay ang orihinal na lasa ng lutong Calambeño. Ito rin ang hudyat ng unang araw ng pagdiriwang ng Buhayani Festival 2024.



Ayon kay Mayor Roseller H. Rizal, "Ang Kusinang Calambeño ay mas pinalawak, pinaganda, at mas makabuluhan ang pagdiriwang dahil sa ipinapakitang husay at galing sa pagluluto. Ipinapakita ang iba't ibang uri ng mga pagkain mula sa panahon ng ating mga ninuno, ngunit may mga twist na mas pinasarap at pinaganda ang mga lutong Calambeño," ani Mayor Rizal.



Ibinida din ni Mayor Rizal ang mga delicasies na paboritong niluluto ng mga Calambeño at hinikayat ang lahat na tangkilikin at ipagmalaki ang mga ito.



Ayon naman kay Ms. Karla Boholano, Department Head ng Cultural Affairs, Tourism and Sports Development, "Mayroon tayong 21 kalahok sa mga delicasies at 21 din sa main course at hindi sila uuwing luhaan dahil lahat ay bibigyan ng consolation prizes na dinagdagan pa ni Mayor. Sa delicasy, ay P3,000.00, at P4,000.00 naman sa main course," ani Boholano.



Masaya ang lahat ng dumalo dahil nabusog sa mga lutong inihanda ng mga kalahok. (Joel Cabactulan)






















Comments