Senator Imee Marcos, pinulong ang mga Barangay Chairman at SK ng San Pablo, Liliw, Nagcarlan at Calauan, Laguna

 




Nakipag pulong kahapon si Senator Imee Marcos sa mga Brgy Chairman at SK na ginanap sa San Pablo City, Laguna July 12, 2024 upang makuha ang saloobin sa kanilang pagse-serbisyo sa barangay sa loob ng labing walong buwan (18) months.



Ayon kay Marcos, isusulong niya ang anim na taong termino at humihingi ng agarang tulong na resolusyon sa mga dumalong barangay officials na gawin ito sa mas lalong madaling panahon dahil sa nalalapit na national election.  ""Bilang dating SK ay ramdam ko ang bilis ng panahon ng panunungkulan sa barangay. Ako din po ang may akda ng term extension at ngayon ay hindi na papayagan ng Supreme Court ang anumang term extension kung kaya ay nais kong matulungan ang ating mga barangay official na gawing fixed term ang kanilang panunungkulan sa anim na taon." Wika ni Marcos 



Ang pagpapalawig ng kanilang termino ay makakatipid din ng pera sa gobyerno dahil ang Commission on Elections (Comelec) ay hindi na kailangang magsagawa ng mas maraming halalan na ang bawat isa ay nagkakahalaga ng P18 bilyon, ayon kay Marcos.



Binanggit din ng senadora ang kahalagahan ng trabaho ng mga opisyal ng barangay bilang "tagapamagitan, tagapamayapa, social worker, rescue worker, at kinatawan ng mga tao" at bilang mga katuwang ng gobyerno.



Pinasalamatan naman ni Mayor Vicente "Vic" Amante at Mayora Gem Castillo Amante ang pagdating ni Senator Marcos na naging panauhin din ng pagtatapos ng mga estudyante sa Pamantasan ng Lungsod ng  San Pablo. (Joel Cabactulan)

Comments