Libreng gamit sa eskwela, bag at uniform sa mga mag aaral sa day care



Calamba, Laguna, - Ipinamahagi na ng pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Ross Rizal ang mga libreng gamit para sa mahigit anim na libung (6,000)  day care na mga estudyante sa 81 day care centers ngayong araw September 5, 2024. 




Ayon kay Mayor Ross Rizal, "Ito ang bahagi ng programang Ramdam na Reporma ng team Calambago ang mabigyan ng mga gamit ang lahat ng mga estudyante na aabot sa mahigit 120,000 mula Day Care, Elementary, Junior High School, Senior High School at ang Alternative Learning Service.



Dagdag pa ni Rizal, patuloy ang pagpapa ayos sa mga silid aralan ng mga day care centers sa pagiging Child friendly facility.  Ang mga lumang gamit na hindi na maayos ay pinalitan na upang maging maginhawa ang mga bata sa loob ng classroom.



Pinasalamatan niya ang mga barabgay officials, day care teachers at lahat ng mga magulang na dumalo sa pamamahagi ng mga libreng gamit sa eakwela. Pinasalamatan din niya sila Vice Mayor Atty. Angelito Lazado Jr at Congw. Cha Hernandez - Alcantara sa suporta ng mga programa para sa kapakanan at kaunlaran ng lungsod lalong higit sa pagpapataas ng antas ng edukasyon. 



Sa pangalawang araw ng pamamahagi ay binigyan ang labing pitung (17) day care centers mula sa brgy Lecheria, 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, San Juan, Looc, Uwisan, Bañadero, Lingga, Sampiruhan at Palingon. 

Kahapon ay naipamahagi ang mga libreng gamit sa mga estudyante sa Canlubang at Batino. (Joel Cabactulan)

Comments