Dahil sa bagyong Glenda sa Calamba

Calamba, Laguna - Dalawang tao ang kumpirmadong nasawi sa lungsod sa pananalasa ng bagyong Glenda kaninang madaling araw sa Brgy 3.
Ang nasabing mga nasawi ay sina Lino Bardon 48 taong gulang at Justin Calapit 17 taong gulang gulang na parehong construction worker. 
Ayon Kay Ms Celine Manabat ang City Social Services Youth Development Office(CSSYDO) ang kanilang tanggapan ay naka antabay sa lahat ng pangangailangan sa buong Calamba sa pangunguna ni Mayor Timmy Chipeco na umiikot sa mga nasa lowland barangays ng lungsod upang makita ang sitwasyon ng mga mamamayan Kasama ang Public Order and Safety Office(POSO) sa pangunguna ni Ret Col Nestor Dela Cueva, IIPESO Head Mr. Peter Capitan at Engineering Head Engr. Erwin Pacada.
Ayon sa datus ng CSSYDO umabot na sa 534 pamilya na ang apektado sa nasabing bagyo.

Comments