NAGCARLAN ,LAGUNA-Malaking abala sa lahat ng manglalakbay ang di inaa-sahang pagguho ng bahagi ng tulay na nag-uugnay sa Brgy.Poblacion 3 at Brgy. Palina ng bayan ito.
Nangyari ito makaraang gumalaw ang ilalim na bahagi ng tulay bunsod ng pagdaan ng mabibigat na truck.Agad naman binigyan ng babala ang lahat ng bumibiyaheng mula San Pablo patungong Liliw.Na hindi na muna pwedeng madaanan ang tulay.
Dahil dito minarapat na gawing pansamantalang daan sa Barangay Sinipiannatatagos naman sa Barangay Oples.Ang mga patungong bayan naman ng Liliw.
Kung kaya't asahan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa nabangit na pansamantalang ginawang daanan.Dahil sa makitid na kalsada kaya babala sa lahat ng malalaking truck.Partikular ang 18 Wheeler pataas ay hindi sila pwede makadaan dito.
Sa mga oras na ito ay ginagawan na ng paraan ng lokal na pamahalaan na agad maayos ang bumigay na bahagi ng tulay.Upang magtuloy -tuloy ang kalakalan at takbo ng buhay. (Kevin Pamatmat)
Comments
Post a Comment