Inaanyayahan ng Philippine Deposit Insurance Corporation ang publiko na makilahok sa gaganaping e-bidding sa August 27, 2021 para sa pagbebenta ng 54 residential lots sa Magdalena Subdivision 2, Brgy. San Juan, Balagtas, Bulacan.
Maaring ipadala ang inyong mga online bids mula 9:00 A.M. ng August 26, 2021 hanggang 1:00 P.M. ng August 27, 2021 sa PDIC e-bidding portal sa https://assetsforsale.pdic.gov.ph. Tanging mga direct buyer na nag-register sa e-bidding portal lamang ang maaaring magpadala ng bids online.
Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang PDIC assets for sale site, website sa www.pdic.gov.ph o puntahan ang @OfficialPDIC page sa Facebook.
Comments
Post a Comment