Si Sam Verzosa ay kilala bilang Chief Executive Officer Ng tanyag na direct selling company na Frontrow Enterprise na kaliwa at kanan na umaani ng pagkilala mula sa Ibat ibang organisasyon dahil sa pagtulong Hindi lamang ngayong kasalukuyang pandemya kundi Kahit noon pa ng maitatag ang kanyang Negosyo higit sampung taon na ang nakakaraan.
Makikita ang tagumpay ni Sam sa negosyo sa kanila at kanan na billboard sa buong Pilipinas na nagpapa kita ng kanilang mga dekalidad na produkto at mga gumagamit nito na mga sikat na aktres at mga influencers. Napakaraming natutulungang kababayang filipino Hindi lamang Dito sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo.
Mula si Sam sa Sampaloc, Manila at nakapagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas, itinatag nya ang Frontrow Enterprise kasama ang kanyang partner sa negosyo na si Raymond "RS" Francisco.
Kumakailanlang ang kompanya ni Sam ang nagpakilala o nagprisinta sa "Miss Universe Philippine na kung saan ay isa lamang ito sa "platform" para ipakita ang pagtulong sa ibat ibang industriya at para rin mai promote ang kakayahan ng mga kababaihang pilipino.
“Lagi nating iniisip na wala tayong magagawa, mahina tayo o wala tayong boses. Sa panahong ito ng pandemya, sana mas mangibabaw ang pagtutulungan at pagkilos para sa taumbayan.”-Sam Verzosa
Nung nakaraang taon, nagpadala si Sam Ng mga bigas at delata para sa Ilang media sa Laguna na ikinatuwa ng karamihan na Hindi nakakalimot sa mga nagbibigay ng impormasyon para sa karamihan na masasabi na ring Frontliners.
Comments
Post a Comment