San Pablo City - Inimbitahan ni Mayora Gem Castillo ang kanyang mga Showbiz Friends from the 90's na sina Sabrina M., Alma Soriano, Jennifer Geroche, Yda Manzano at Klaudia Koronel kasama kanilang pamilya, sa kanyang tahanan dito sa ating lunsod upang magkameron ng isang bonding sa kanilang magkakaibigan.
Yamang isang tagapagtaguyod ng turismo ng lunsod si Unang Ginang Gem, ay minabuti na niyang ipasyal ang mga ito sa ating mga sikat na lawa upang makilala nila ang mga ito, bukod sa mga 90's star ay nauna ng ipinasyal ni Mayora Gem ang mga members ng Philippine Movie Press Club PMPC sa pangunguna ni Ms. F. Kasama ang mga sikat na vloggers ng San Pablo na sina San Pablo Spotted, CIO San Pablo at Liwanag Vlogs, ay pinuntahan nila ang dalawa sa pitong lawa ng San Pablo, ang Pandin at Sampalok Lake. Dito ay masayang naranasan nila ang
pagkain habang nakasakay sa balsa, paglibot sa lake at pagduyan sa duyan na nakasabit sa puno at photo ops sa mga di mauubos na magagandang tanawin. Kasama rin sa pag ikot para mas maunawaan ang pinasyalang lawa si Nicolai Miranda isang local historian ng lunsod.

Nakakatuwang isipin na sa loob lamang ng ilang buwan na panunungkulan ni Mayor
Vicente Amante ay marami ng mga sikat na personalidad ang nakapunta at namangha sa lunsod ng San Pablo, malaking tulong ang ginagawa ni Mayora Gem na pag imbita ng kanyang mga kaibigan upang mas mapromote at makilala ang ating lugar. Hindi lamang sa local news kundi pang balitang nasyonal.

Karagdagang balita, habang namamasyal ang grupo ay tinitingnan na rin ni Mayora Gem kung kung saan magandang ilagay ang mga pa ilaw upang mas lalong gumanda at maka attract ng mga turista, ang
matagumpay na proyekto ng San Pablo City Tourism Office at ni dating Mayor Loreto Amben na ngayon ay ama na ng ikatlong distrito ng Laguna. (Don Calixto Martinez)
matagumpay na proyekto ng San Pablo City Tourism Office at ni dating Mayor Loreto Amben na ngayon ay ama na ng ikatlong distrito ng Laguna. (Don Calixto Martinez)
Comments
Post a Comment