San
Pablo City - Nag Courtesy Call ang Lake City Swimming Club ng
Col. Dizon Highschool ng Lunsod ng San Pablo, sa pangunguna nina Pres. Sonny
Biglete, Active members Roy Bulunhagi, Coach Ferdie Andres, Coach Edison
Santiago kay City Mayor Vicente Amante sa pamamagitan ni Mayora Gem
Castillo at koordinasyon ni Sir Teddy
Montañez. Layunin ng kortesiyang ito na mailapit ng grupo ang nasirang
Swimmingpool na pinag eensayuhan ng Swimming Club. Sa kadahilanang napabayaan
ito noong panahon ng pandemya, sa ngayon ay nakikiensayo na muna ang grupo sa
Laguna State Polytechnic University San Pablo Campus. Hindi naman nabigo sa
pakikipag usap ang Swimming Team kay Mayora Gem dahil nangako ang butihing
unang ginang na tutulungan niya ito upang mabigyan ng Government Assistance
para mapagawa ang nasabing Swimming Facility. Don Calixto Martinez
Comments
Post a Comment