LAGUNA- Nagsagawa ng pagsasanay ang Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Magdalena sa pamumuno ni Mayor Peter C. Bucal kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na pinangunahan ni Kgg. Ikalawang Punong Bayan Maximo B. Sotomayor.
Katuwang dito ang mga pinuno ng iba't ibang ahensya at departamento ng pamahalaan lokal, at sa pamamagitan ni MILGOO VI-DILG Ma. Aurora A. Robles ay nagsagawa ng tatlong araw na Seminar and Workshop on the Formulation of Executive-Legislative Agenda.
Layunin ng programang ito na maisagawa ang wasto at tamang paraan ng pagbabalangkas at pagpaplano tungkol sa mga pakay na sektor na nais lapatan ng iba't ibang klaseng proyekto tungo sa pag-unlad sa mga darating na panahon sa kasalukuyang administrasyon.
Samanatalang matapos ang pagsasanay ay lumagda sa Pledges of Commitment ang bawat lumahok sa nabanggit na programa.. (Kevin Pamatmat/ Shekinah Joy Pamatmat)
Comments
Post a Comment