SAN PABLO CITY LAGUNA --July 14, 2023- Lumagda ngayong umaga sina Mayor Vicente B. Amante at CSupt. Jaime D. Ramirez, Regional Director, Bureau of Fire Protection IV-A, sa isang Deed of Lot Donation para sa proposed building ng BFP San Pablo City Central Fire Station.
Kaya lubos ang pasasalamat ni CInsp. Nerissa Eugenia P. Panergalin, City Fire Marshall SPC Fire Station sa Pamahalaang Lunsod ng San Pablo sa pamumuno ni Mayor Vicente B. Amante sa malaking tulong na ito upang lalo pang mapabuti ang pagseserbisyo ng kanilang ahensya. Papuri naman at pasasalamat rin sa butihing punonglunsod ang ipinaabot ni BFP Asst. Reg’l Dir. for Administration, FSSupt. Arvin Rex A. Afalla para sa agarang pagtugon sa iba’t-ibang pangangailangan ng buong BFP San Pablo City.
Nakiisa rin sa naganap na Signing of Deed of Lot Donation sina CLGOO Maria Alma L. Barrientos, DILG-SPC; Supt. Ronnie R. Benedicto, Provincial Director; Judge Agripino G. Morga, City Legal Officer; CSWM Officer Diosdado A. Biglete; Engr. Edgardo A. Malijan, City Urban Dev’t and Housing Coordinator at mga Municipal Marshalls ng Liliw- SInsp. Coral S. Opulencia; Magdalena- Insp. Julie Ann Valencia; Alaminos- Insp. Randy Del Mundo; Rizal- SF04 Rodolfo C. Ang; Nagcarlan- SFO2 Melanor D. Mistica at Calauan- SFO2 Lorena Vanate. (ROY TOMANDAO)
Comments
Post a Comment