𝐏𝐈𝐍𝐒𝐀𝐋𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐆𝐎𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐓 𝐇𝐀𝐁𝐀𝐆𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐀𝐆𝐑𝐈𝐊𝐔𝐋𝐓𝐔𝐑𝐀 𝐀𝐓 𝐈𝐌𝐏𝐑𝐀𝐒𝐓𝐑𝐀𝐊𝐓𝐔𝐑𝐀, 𝐋𝐀𝐆𝐏𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐒𝐀 ₱𝟒𝟎𝟎-𝐌

 


Umabot na sa kabuuang P436 milyon ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura ng bagyong Goring at habagat. 

Batay ito sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). 

Sa nasabing halaga, P395 milyon ang pinsala ng bagyo sa agrikultura kung saan napuruhan ang Regions 2, 3 at 6.

Nasa 8,734 din na mga mangingisda at magsasaka ang apektado.

Samantala, sa imprastraktura naman ay nananatili sa P41.2 milyon ang iniwang pinsala ng bagyo.

Nakapagtala din ang NDRRMC ng 482 mga nasirang tahanan kung saan 371 dito ang 'partially damaged' habang 111 ang 'totally damaged'.

Comments