ππππππ, πππππππππ πππ πππππππ ππ ππππ ππ ππππππππππ ππ πππππ πππππππ ππ πππππ
Suportado ng Kamara ang atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patawan ng price ceiling ang bigas upang maibsan ang mataas na presyo nito sa pamilihan na pabigat sa mga Pilipino.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez napapanahon ang hakbang na ito ng Pangulo lalo at malaking pasakit ito para sa mga kapos o marginalize.
“We, in the House of Representatives, stand firmly behind President Ferdinand R. Marcos Jr.'s decisive action to ensure every Filipino's access to affordable rice. The imposition of price ceilings on this staple food is a timely and necessary intervention to shield our fellow countrymen from the undue economic burden caused by unwarranted surges in rice prices.” ani Romualdez.
Pinuri din ng House leader ang pagtutulungan ng Department of Agriculture (DA), the Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Customs (BOC) sa pagtiyak na ito ay maipatutupad.
Bilang bahagi ng kanilang oversight function ay palalakasin aniya nila ang imbestigasyon at pagbabantay sa hoarding, price manipulation at cartel hindi lang sa bigas ngunit sa iba pang produktong agrikultural at batayang pangangailangan ng mga Pilipino.
“We believe it is our duty to ensure a steady, stable, and affordable supply of these essential commodities for the Filipino people. The welfare of our constituents remains our top priority, and we pledge to exercise our mandate to safeguard their interests to the fullest.” dagdag ng lider ng Kamara.
Patuloy din aniya silang makikipag-ugnayan sa ehekutibo para mapalakas ang mga polisiya at mekanismo para protektahan ang kapakanan ng mga mamimili.
“Naghahanap kami ng paraan kung paano ang gagawin natin para giginhawa yung buhay ng ating taumbayan, ng mga Pilipino. Yun ang gusto talaga ng presidente. Si presidente hindi yan makakatulog kung meron siyang nalalaman na nagugutom na Pilipino o sobrang nahihirapan na kasi mataas yung presyo ng bilihin.” sabi pa ng House Speaker.
Comments
Post a Comment