Senador Bong Go, Panauhin sa Ika-100 Taong Anibersaryo ng Laguna Medical Center

 



Naging panauhin si Senador Bong Go sa pagdiriwang ng ika-100 taong anibersaryo ng Laguna Medical Center sa Sta. Cruz, Laguna, noong Pebrero 26, 2024.



Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng kalusugan sa mga kanayunan at ipinahayag ang kanyang pagtutok sa pagpapatayo ng mga Super Health Center upang mabigyan ng serbisyong medikal ang mga nasa malalayong lugar.



Binisita rin ni Senador Bong Go ang Malasakit Center sa loob ng ospital at tumulong sa pamamahagi ng lugaw kasama ang kanyang Malasakit Team para sa mga nangangailangan.



Sa pagharap sa media, ibinalita niya ang pagtatayo ng 13 na Super Health Center sa Laguna at nagbigay ng babala para sa nalalapit na Fire Prevention Month.



Kasama niya sa pagdiriwang sina Laguna Gov. Ramil Hernandez at Vice Gov. Karen Agapay. (Joel Cabactulan)

#RondaBalita

#rondabalitapilipinas

#SenatorBongGo 

#MrMalasakit 

#BisyoAngMagSerbisyo🇵🇭👊🏼

Comments