Enchanted Kingdom Nagsagawa ng Makulay na FLORES DE LAGUNA 2024

 


Ang Enchanted Kingdom ay nagsagawa ng FLORES DE LAGUNA 2024 ngayong araw, Hunyo 9, 2024, sa Santa Rosa City, Laguna. Ang event na ito ay ginanap sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, DTI Rehiyon 4-A Calabarzon, at ng Laguna Tourism Council.


Tampok sa pagdiriwang ang 14 na kilalang designer at mga kandidata mula sa iba't ibang lungsod at munisipalidad ng Laguna na nagpakitang-gilas sa Gown Competition sa Spaceport Grounds. Ang bawat kalahok ay nagpakita ng kanilang mga disenyo na nagpapahayag ng kultural at natural na kagandahan ng Laguna.



Bukod sa Gown Competition, bahagi rin ng pagdiriwang ang Likhang Laguna Trade Exhibit na nagpapakita ng mga lokal na produkto, mga palabas sa pagluluto, at mga workshop. Ang layunin ng FLORES DE LAGUNA 2024 ay ipakita ang world-class na talento at produkto ng Laguna, pati na rin ang pagpapahalaga sa mayamang pamana at sining ng rehiyon. (Joel Cabactulan)




Comments