IKALAWANG ARAW NG 51ST KIWANIS INTERNATIONAL PHILIPPINE LUZON DISTRICT CONVENTION, PUNO NG MAHAHALAGANG GAWAIN

 



CALASIAO, PANGASINAN — Naging makabuluhan at produktibo ang ikalawang araw ng 51st Kiwanis International Philippine Luzon District Convention, na ginaganap sa Calasiao, Pangasinan, sa pamamagitan ng serye ng mahahalagang talakayan, pagkilala at mga aktibidad para sa patuloy na pagpapaunlad ng organisasyon.

Kiwanis Club of Canlubang Division 4B recieved Most Outstanding Club Award, Most Outstanding President and Most Outstanding Secretary


Kabilang sa mga tampok ng programa ang turnover sa Chairman ng Committee on Bylaws, gayundin ang Presentation of the Rules on Debate at Presentation of the Proposed Amendments to the Bylaws. Layunin ng mga ito na matiyak ang maayos na proseso at patuloy na mapalakas ang pamamahala sa loob ng Kiwanis International Philippine Luzon District.


Binigyan din ng pagkilala ang mga Kiwanis Club mula sa iba’t ibang District bilang pagkilala sa kanilang mga natatanging programa, proyekto at serbisyong naisagawa para sa kanilang mga nasasakupan at komunidad. Ipinakita ng mga pagkilalang ito ang mahalagang kontribusyon ng bawat club sa adbokasiya ng Kiwanis.


Tampok din ang symbolic turnover ng “Get Together Stays Together” sa ilalim ng pamumuno ni Governor Stacheys Neil Espino tungo sa bagong adhikain na “Hope” sa pamumuno ni Aleta Tolentino.


Kasabay nito ang Presentation of the District Board and Committees, na sumisimbolo sa paghahanda para sa panibagong yugto ng pamumuno at paglilingkod ng Kiwanis Philippine Luzon District. (Joel Cabactulan)

Comments