Kiwanis Club of Canlubang, Nakiisa sa Kiwanis International Philippine Luzon District Convention

 


Nakiisa ang Kiwanis Club of Canlubang sa katatapos lamang na Kiwanis International Philippine Luzon District Convention na ginanap sa Calasiao, Pangasinan.



Ayon kay Incoming Club President Floritess Camia, mahalaga ang naturang pagtitipon bilang pagpapakita ng pagkakaisa ng bawat Kiwanis Club. Bukod dito, naging pagkakataon din ito upang magkaroon ng bonding, kumustahan, at pagbabahaginan ng mga karanasan at programa ng bawat club.


Samantala, pinarangalan ang Kiwanis Club of Canlubang sa ilang kategorya bilang pagkilala sa kanilang natatanging serbisyo at pamumuno.


Tumanggap ng Most Outstanding Club President si Outgoing Club President Joy Celestino, habang kinilala naman si Club Secretary Estie Vibora bilang Most Outstanding Club Secretary.


Binigyan din ng pagkilala ang mga Kiwanis Club mula sa iba’t ibang distrito bilang pagkilala sa kanilang mga natatanging programa, proyekto, at serbisyong naisagawa para sa kanilang mga nasasakupan at komunidad. Ipinakita ng mga pagkilalang ito ang mahalagang kontribusyon ng bawat club sa adbokasiya ng Kiwanis.


Tampok din sa pagtitipon ang symbolic turnover ng “Get Together Stays Together” sa ilalim ng pamumuno ni Governor Stacheys Neil Espino, tungo sa bagong adhikain na “Hope” sa pamumuno ni Governor Aleta Tolentino.


Patunay ang mga pagkilala at parangal na ito sa patuloy na dedikasyon ng mga Kiwanian sa pagsusulong ng mga programang naglalayong makatulong sa mga bata, pamilya, at komunidad. Via Joel Cabactulan




Comments