Mga Fiscal sa Lunsod ng San Pablo nag Courtesy Call kay City Mayor Vicente Amante

 


San Pablo City – Personal na nagtungo ang mga Fiscal ng Lunsod ng San Pablo sa tahanan ng butihing Mayor Vicente Amante at Mayora Gem Castillo, dito ay nagkameron sila ng munting salo salo kasama ang mag asawa. Bago ang pakikipag usap ng grupo kay Mayor Vic ay inalayan muna sila ni Unang Ginang Gem ng magagandang awitin na siya namang laging request ng mga bisitang nagtutungo sa kanilang tahanan. Habang kumakanta ang Unang Ginang ay game na game naman na nakiduet sina Assistant City Prosecutor Hernandez at Assistant City Prosecutor Raflores-Ona. Naghandog rin ng awitin si Dating Konsehal Angelo Adriano.


Ang mga Fiscal na nag courtesy call ay sina ACP Katrina P. Hernandez, ACP Amabel T. Raflores-Ona, ACP Lida V. Anenias, ACP Giovanni C. Ofenda, ACP John-john A. Cabral, ACP Nilo Margarate, CP Rockefeller Cueto, ACP Gamaliel G. Bello, APP Alfredo L. Bentulan Jr., APP Ciane Corrine Coronado at ACP Eulogio C. Burcel.
Don Calixto Martinez

Comments