Nakatakdang magsasagawa ng ocular inspection ang mga senador sa Lunes February 6,2023 para inspeksyunin ang air traffic management center ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.
Sa pagdinig ng Senado, nabitin ang mga senador sa naging paliwanag ng mga opisyal ng CAAP patungkol sa naging aberya na itinuturo ng mga ito sa pagkasira ng isa sa mga circuit breakers ng air traffic management center.
Maliban dito, lumabas sa pagdinig na wala ring CCTV ang pinaglalagyan ng mga kagamitan para sa air traffic management system at saka lamang nag-install ng cctv noong nasita ito ng mga senador.
Naniniwala ang mga mambabatas na makakatulong sana kung may CCTV na noong una para nakuhaan ang pangyayari sa loob ng air traffic system.
Napag-alaman din na hindi pa naiimbestigahan ang posibilidad ng cyber-attack dahil walang kagamitan para rito ang Department of Information and Communications Technology.
Samantala, ipinadadagdag ni Senator Francis Tolentino ang hiwalay pang imbestigasyon sa aberya sa NAIA noong Chinese New Year kung saan naantala rin ang mga flights at kabilang ang senador sa mga sakay ng eroplano na dalawang oras na nakatengga sa runway ng paliparan.
Via News Source: Celestino 'Jojo' Sicat (DZRJ)
MGA KA-RONDA!
Please Like, Share and Follow our Facebook Page #RondaBalitaPilipinas
Comments
Post a Comment