Calamba, Laguna,- Pormal nang nanumpa sa katungkulan ang mga opisyal at myembro ng Partido Federal ng Pilipinas Calamba City Chapter ngayong araw February 20, 2024.
Ayon kay PFP National President Atty. Leandro Verceles Jr., na ang Calabarzon ang tinitingala na model region dahil sa napaka ayos na sistema at sa pagiging agresibo nito upang mas mapalawak ang mga myembro ng partido . Dagdag pa niya, na ang pagpanumpa ng mga opisyales at myembro ng Calamba ang siyang tinitingnan modelo kung paano maisagawa ang pagpapanumpa din sa ibang bayan at lungsod sa buong bansa.
Ayon kay Regional Chairman Roosevelt "Gaspoy" Legaspi, "Unti-unting inaayos ng partido ang hanay ng mga opisyales at myembro sa buong Region 4-A at hinihimok ang mga opisyales na magpa panumpa na din sa kanilang mga nasasakupan.
Inihayag naman ni PFP Calamba City Chapter President Mr. Gregg Nicdao ang planong palakasin ang programa ng Food suffiecency sa bawat tahanan katulad ng urban gardening na kahit sa mga paso lamang ay maaring magtanim ng mga gulay.
Dumalo din sa pagtitipon ang mga Regional Director na sila Mr. Edwin Chiong Region 12 Chairman National Level Trade and Industry at Al Faizal Salambatan Abdulajid Region IX Chairman at mga opisyales mula sa buong Calabarzon. (Joel Cabactulan)
Comments
Post a Comment