Alfonso, Cavite - Personal na ininspeksyon ni Senator Kuya Bong Go, Chairperson ng Senate Committee on Health, ang itinatayong Super Health Center at Evacuation Center na kanyang sinuportahan sa pagpapatayo sa bayan ng Alfonso, Cavite. Nagbigay din siya ng tulong sa mga mahihirap na residente ngayong araw, Agosto 12, 2024.
Iprinisinta sa kanya ang Resolution No. 110 Series of 2024 ng Sangguniang Bayan ng Alfonso bilang adopted son dahil sa kanyang suporta at walang sawang pagseserbisyo para sa mga taga-Alfonso.
Labis ang pasasalamat ni Senator Kuya Bong Go sa lokal na pamahalaan ng Alfonso, sa pamumuno ni Mayor Randy Salamat, dahil sa kanilang pagtitiwala at pakikiisa sa kanya sa layuning ilapit ang serbisyo sa mga mamamayan.
Sinabi ni Senator Go na magagamit ang Super Health Center para sa mga pangunahing pangangailangang medikal tulad ng pre-natal checkups at maging sa panganganak. Dagdag pa niya, bukas ang kanyang tanggapan sa lahat ng hihingi ng tulong dahil sa kanyang prinsipyo sa buhay na ang serbisyo sa tao ay serbisyo din sa Diyos.
Pinuri rin niya si Carlos Yulo sa pagkakapanalo ng dalawang gintong medalya sa katatapos na Paris Olympics at nangakong tututukan ang mga kakulangan upang mas lalong mapaangat ang morale at antas ng pamumuhay ng bawat atletang Pilipino. (Joel Cabactulan)
#SenatorBongGo
#MrMalasakit
#BisyoAngMagSerbisyo🇵🇭👊🏼
Comments
Post a Comment