Serbisyong Cong. Amben Amante Naramdaman sa Victoria,Laguna

 


VICTORIA, LAGUNA — Humigit-kumulang 1,500 residente ng bayang ito ang nakinabang sa libreng medical at dental mission na isinagawa noong Agosto 8, sa pangunguna ni 3rd District Representative Loreto “Amben” Amante at SMILE Party-list.



Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang medical consultation, laboratory tests, libreng gamot at dental services, kabilang ang pagpapabunot ng ngipin.


Nakiisa sa aktibidad sina Kapitana Madette Amante maybahay ni Cong Amben Amante, Mayor Dwight Kampitan, Vice Mayor RJ Kampitan, mga barangay opisyal at iba pang katuwang sa libreng medical at dental mission.


Layunin ng programa na mailapit ang pangunahing serbisyong pangkalusugan sa mga residente, partikular sa mga nangangailangan ng libreng konsultasyon at gamutan.

(Don Calixto Martinez)

ctto 📸 Victor Liwanag

Comments